Hotshots didiretso sa 3 vs Elite
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Rain or Shine
vs Globalport
7 p.m. Blackwater
vs Purefoods
MANILA, Philippines - Tatangkain ng nagdedepensang Purefoods na makisosyo sa liderato, habang ang ikalawang sunod na panalo ang target ng Rain or Shine.
Nasa 2-0 panimula, lalabanan ng Hotshots ang Blackwater Elite ngayong alas-7 ng gabi, habang sasagupain ng Elasto Painters ang Globalport Batang Pier sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Posibleng si 6-foot-4 import Marqus Blakely ang muling gamitin ng Purefoods dahil kararating lamang sa bansa ni original import Daniel Orton mula sa China.
“We may play Marqus one more game. If Orton picks up our stuffs right away, he’ll already play for us Friday,” sabi ni head coach Tim Cone sa 6-foot-9 na si Orton.
Si Orton ay naglaro sa NBA para sa mga koponan ng Oklahoma City Thunder at Washington Wizards.
Sa likod ni Blakely ay tinalo ng Hotshots ang Batang Pier, 83-70, at ang Alaska Aces, 108-88, para sa kanilang 2-0 record katabla ang Barako Bull Energy sa ilalim ng Meralco Bolts (3-0).
“For the first time in a long time, we seem ready to start a conference,” wika pa ni Cone.
Itatapat naman ng Blackwater si naturalized center Marcus Douthit, umiskor ng 14 points sa 78-88 kabiguan nila sa Talk ‘N Text noong nakaraang Sabado sa Biñan, Laguna.
Ang 6’11 na si Douthit, may kontrata pa sa Gilas Pilipinas, ang hinugot ng Elite ni mentor Leo Isaac matapos magkaroon ng hamstring injury si 6’9 import Chris Charles sa kanilang tune-up game.
Sa unang laro, target naman ng Rain or Shine na masundan ang kanilang 96-91 panalo kontra sa NLEX noong Pebrero 3 sa pagharap sa Globalport.
Pinag-iisipan pa ni Painters’ coach Yeng Guiao kung papalitan nila si import Rick Jackson, nagposte ng 17 points, 20 rebounds, 5 assists at 4 shotblocks, kung ibabalik si Wayne Chism.
- Latest