Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Rain or Shine vs Globalport
7 p.m. Blackwater vs Purefoods
MANILA, Philippines – Ito na ang pinakamalaking panalo ng Kia sa kanilang ikalawang komperensya sa Philippine Basketball Association.
Bagama’t nawala si PJ Ramos sa 4:37 minuto ng fourth quarter dahil sa ikaanim na foul nito, hindi bumitaw ang Kia para gimbalin ang paboritong San Miguel, 88-78, sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ito ang unang panalo ng Carnival ni playing coach Manny Pacquiao, kasalukuyang nasa United States, matapos ang 0-2 panimula.
“I am very happy. I give the credit to the players. The locals stepped up,” sabi ni assistant coach Chito Victolero. “Magandang panalo ‘yung binigay sa amin.”
Tumapos si Ramos na may 22 points, habang nag-ambag si point guard LA Revilla ng 12 markers kasunod ang 11 ni Mark Yee at 10 ni JR Cawaling.
Mula sa 21-17 abante sa first period ay ipinoste ng Kia ang 18-point lead, 65-47, sa dulo ng third quarter.
Nalasap ni Ramos ang kanyang ikaanim at huling foul sa 4:37 minuto ng final canto kung saan angat ag Carnival sa Beermen, 75-69.
Ang free throw ni import Ronald Roberts ang naglapit sa Beermen, nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, sa 70-75 agwat kasunod ang dalawang free throws ni Revilla at magkasunod na basket nina Kyle Pascual at Michael Burtscher para sa 81-70 bentahe ng Kia.
“Medyo off lang ‘yung San Miguel ngayon. One week pa lang silang nag-eensayo, tapos ‘yung import nila kararating lang,” sabi ni Victolero sa Beermen ni mentor Leo Austria.
Umiskor si June Mar Fajardo ng 18 points kasunod ang 18 ni Roberts at 14 ni Arwind Santos para sa Beermen.
Kia 88 – Ramos 22, Revilla 12, Yee 11, Cawaling 10, Avenido 9, Pascual 8, Dehesa 5, Burtscher 4, Buensuceso 4, Poligrates 3, Webb 0, Padilla 0, Alvarez 0, Ighalo 0.
San Miguel 78 – Fajardo 18, Roberts 18, Santos 14, Lutz 8, Tubid 7, Ross 5, Lassiter 4, Cabagnot 2, Pascual 2, Maierhoder 0, Kramer 0, Omolon 0, Fortuna 0, Semerad 0.
Quarterscores: 21-17; 46-35; 67-53; 88-78.