Lady Archers puntirya ang twice-to-beat vs Tigresses

MANILA, Philippines – Makikita kung toto­hanan ba ang pagpapanalo na ginagawa ng UST Tigresses sa pagharap sa La Salle Lady Archers sa 77th UAAP women’s volleyball  nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

May apat na dikit na panalo ang UST para ma­ka­bangon mula sa 1-5 karta at malagay sa ikatlong pu­westo sa 5-5 baraha.

Ang laro ay magsisi­mula sa alas-4 ng ha­pon at pakay din ng Lady Archers na promal na okupahan ang twice-to-beat advantage sa Final Four.

Unang magkikita ang nagdedepensang Ateneo Lady Eagles laban sa FEU Lady Tamaraws sa alas-2 ng hapon at balak ng una na dagitin ang ika-11 sunod na panalo.

Kung mangyari ito ay tatlong laro na lamang ang kailangang kunin ng Ateneo para makumpleto ang sweep sa elimination round at magkaroon ng thrice-to-beat sa championship round.

Hindi naman papayag ang Lady Tamaraws na mangyari ito dahil nanga­ngailangan sila ng panalo para tumatag ang paghahabol sa upuan sa susunod na yugto.

May 4-6 karta ang FEU at kasalo ang mga pahi­ngang National University Lady Bulldogs, UP Lady Maroons at Adamson Lady Falcons sa ikaapat hanggang ikapitong upuan.

Nakikitaan uli ng ganda ng paglalaro ang mga bete­ranang sina Carmela Tunay, Marivic Meneses at Pam Lastimosa para makipagtulungan sa mga mahuhusay na bagitong manlalaro tulad ni Ennajie Laure.

“Makikita natin kung talagang nag-improve kami sa larong ito,” wika ni UST coach Odjie Mamon.

Ipaparada naman ng Lady Archers ang mga mahuhusay na sina Ara Galang, Mika Reyes at Cydthealee Demecillo para masungkit ang three-game winning streak sa ikalawang ikutan.

Show comments