MANILA, Philippines – Umaasa si Philippine women’s basketball team head coach Patrick Henry Aquino, iginiya ang National University Lady Bulldogs sa UAAP championship, na marami pang lalahok sa tryouts para sa national squad.
Kasalukuyan nang nagsasagawa si Aquino ng tryouts sa 3rd floor ng SGS Building at 1335 Araneta Ave., Barangay Sto. Domingo sa Quezon City.
Ang mga tryouts ay nakatakda sa Pebrero 7, 9, 10 at 11 sa ganap na alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Ang mga interesado ay maaring tumawag sa 0917-8686234 para sa iba pang detalye.
Ang mga automatic candidates ay ang mga players mula sa national pool ni dating coach Haydee Ong .
Hangad ni Aquino na makumpleto ang 12-player lineup na isasabak sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) tournament at sa Southeast Asian Games sa Singapore.