^

PSN Palaro

Nieto hinirang na MVP sa Jr. UAAP cagefest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napanatili ni Mike Nieto ang pangunguna sa overall statistical points matapos ang second round elimination sa 77th UAAP juniors basketball para siyang gawaran ng Most Valuable Player award.

Ang sentro ng Ateneo Eaglets na hindi natalo ma­­tapos ang 14  laro sa dou­ble round elimination ay nagtala ng kabuuang 75 Total Statistical Points (TSP) para daigin ang pambatong center ng National University Bullpups na si Mark Dyke na may 65.8572 TSP.

Nakasalo si Nieto sa unang puwesto sa scoring kay Aljun Melecio ng La Salle Zobel sa 16.4 puntos bukod sa pag-angkin sa ikalawang puwesto sa rebounding sa 11.9 rebounds.

Si Dyke ang lumabas na hari sa rebounding sa kanyang 14.5 rebounds bukod sa pang-anim sa iskoring sa 13.4 puntos.

Ang kakambal ni Mike na si Matt Nieto ang nasa ikatlong puwesto sa MVP race bitbit ang 64 TSP habang si Melecio at Fre­derick Tungcab ng Adamson Baby Falcons ang nasa ikaapat at limang puwesto sa 63.4286 at 56.7857.

Dahil sa sweep sa elimination round, pumasok na ang Ateneo sa Finals at magkakaroon ng thrice-to-beat advantage sa makakatunggali na lalabas sa step-ladder semis.

Bago ito ay magtutuos muna ang NU at Adamson sa playoff para sa number two seeding. (AT)

ADAMSON BABY FALCONS

ALJUN MELECIO

ATENEO EAGLETS

LA SALLE ZOBEL

MARK DYKE

MATT NIETO

MIKE NIETO

MOST VALUABLE PLAYER

NATIONAL UNIVERSITY BULLPUPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with