^

PSN Palaro

Anthony may pinatunayan sa panalo ng Knicks

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK – Naririnig ni Carmelo Anthony ang mga boses na nagsasabing matanda na siya  at hindi na niya kayang tumalon katulad ng kanyang kabataan.

Ang ilan dito ay galing sa kanilang mismong locker room.

Sinagot ito ni Anthony sa kanyang sariling paraan ma­tapos humugot ng 18 sa kanyang 31 points sa third quarter para ihatid ang Knicks sa 94-80 panalo laban sa Los Angeles Lakers.

Tumingin siya sa kanilang bench sa second quarter matapos ang isang slam dunk galing sa lob pass ni Jason Smith.

Sa pag-upo ni Kobe Bryant sa buong season bu­nga ng injury ay naglaro ang dalawang koponang may pinakamasamang record sa NBA.

Tinulungan ni Anthony ang Knicks na makalayo sa third quarter mula sa kanyang mga jumpers.

Humakot naman si Carlos Boozer ng 19 points at 10 rebounds sa panig ng Lakers, natalo sa pang-10 sa kanilang huling 11 laro.

Sa Boston, kumolekta si center Hassan Whiteside ng 20 points para ibigay sa Miami Heat ang 83-75 panalo kontra sa Celtics.

Nagtala si Whiteside ng 10-for-17 fieldgoal shooting at nagdagdag ng 9 rebounds at 3 blocked shots para sa Heat.

Nag-ambag si Chris Bosh ng 18 points  para sa Miami na muling naglaro nang wala ang mga may injury na si Dwyane Wade at Luol Deng.

vuukle comment

CARLOS BOOZER

CARMELO ANTHONY

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

HASSAN WHITESIDE

JASON SMITH

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

LUOL DENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with