Bakbakan na
Parang pinagkita ng tadhana si Manny Pacquiao at Floyd Mayweather nung Miyerkules ng gabi sa isang NBA game sa Miami.
Paalis na sana si Pacquiao at ang asawa niyang si Jinkee pabalik ng Los Angeles pero wala silang makuhang business class tickets sa eroplano.
Na-delay ang alis at dahil may extra time ay nanood sila ng laro ng Miami Heat.
Nagkataon naman na nandun din si Mayweather at nakaupo sa kabilang dulo ng VIP row. Maya-maya ay nag-meet sila centercourt habang halftime.
Iba-ibang versions ang lumabas tungkol sa usapan. Nagpalitan sila ng phone numbers. Tapos ay naghiwalay na sila.
Text-text lang.
Hindi dun natapos ang meeting dahil ilang oras ang lumipas ay bumisita si Mayweather sa hotel suite ni Pacquiao. Nag-usap ulit sila.
Dito na natin nakumpirma na seryoso si Mayweather. Gusto rin pala niyang matuloy ang laban. At ngayon ay naniniwala na ako na baka nga matuloy na ito.
Sa May 2 sa MGM Grand ito magaganap pag nagkataon.
Marami pang gusot na dapat ayusin pero dahil sa meeting ng dalawang superstars ay mukhang may patutunguhan na ang lahat.
Ewan ko pero baka mag-agree muna sila na maglalaban sila pero hindi pa sa May. Puwede nila sabihing, “Okay, i-set na natin ito sa November.”
Magandang balita ito para sa mga boxing fans sa buong mundo.
Kung sa May 2 sila mag-laban ay mas maganda.
Nagulat sila Pacquiao at ang kanyang adviser na si Mike Koncz sa ikinilos ni Mayweather sa Miami. Maayos daw kausap at sincere.
In short, seryoso.
Pangsamantala nating tigilan ang batikos kay Mayweather na takot at ayaw lumaban kay Pacquiao.
Matuloy na nga sana ang laban.
Bakbakan na.
- Latest