MANILA, Philippines – Handa na ang lahat para sa Milo Checkmate chess program sa Parañaque na magsisimula sa Pebrero 7.
Gagawin ito sa Metropolitan Chess Club (MCC) training center na matatagpuan sa 3/F ng NES Commercial Bldg. sa Evacom, Sucat.
Ang programa ay bukas para sa mga batang edad 7 hanggang 16 at gagawin mula alas-9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali at mula ala-1:30 hanggang 4:30 ng hapon.
Ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa Parañaque na mahuhusay sa chess ay libreng makakasali habang 50 percent discount ang ibibigay sa mga ganitong bata na nasa pribadong paaralan.
Lahat ng mga sasali ay dapat may dalang chess sets at boards.
Magkakaroon din ng Milo Checkmate Saturday-only classes sa San Sebastian College-Recoletos Manila sa CM Recto (8-11 a.m.); Starmall Edsa Shaw (10 a.m.-1 p.m.); Grace Christian College sa Quezon City (7:20 a.m. – 11 a.m.) at Sacred Heart Academy of Novaliches (2 p.m. – 5 p.m.).
Para sa iba pang detalye, maaaring tumawag sa MCC sa 0922-822-6319.