^

PSN Palaro

Le Tour papadyak ngayon karera iaalay sa ‘Fallen 44’

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa harap ng matinding hamon para maidepensa ang titulo, sasandalan ni Mark Galedo ang kanyang mga kasama at ang kanyang seryosong paghahanda sa paglarga ngayon ng 2015 Le Tour de Filipinas na iaalay para sa 44 Special Action Force (SAF) troopers na nasawi sa Maguindanao.

Bilang pambungad ng apat na araw na karera na handog ng Air21 at co-presented ng MVP Sports Foundation, pakakawalan ang Balanga-Balanga 126 kms, Stage One na susu­bok ng bilis ng mga kalahok na binubuo ng 13 foreign teams at 2 national teams.

“Mahirap kasi, mala­la­kas ang mga kalaban lalo na ‘yung mga Iranians,” pahayag ng 31-gulang na si Galedo na ibinalik sa 7-Eleven teams kapalit ni Boots Ruan Cuyubit matapos ang ginawang  managers miting kagabi.

Ang magiging matin­ding hamon sa pagdedepensa ni Galedo ng titulo sa tanging UCI race sa bansa sa calendar ng Asia Tour na suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon ang dalawang Iranian teams na Pishgaman Yzad Pro Cycling Team at Tabriz Petrochemical Team na may dalawang riders na  dating champions at No. 1 sa Asia sa UCI rankings.

Sa dalawang taong karera, Pinoy ang nanalo sa Le Tour noong 2012 at 2014 walang Iranian team na kasama.

Sa mga Iranians na kasali ngayon ay sina 2013 titlist Ghader Mizbani (Tabiz), 2011 champion Rahim Emami  at  top-ranked road rider ng Asya na si Mirsamad Poorseyediholakhour (Pishgaman Yzad).

Tatawagin ang 2015 edisyon ng karerang ito na inorganisa ng Ube Media Inc. na pinamumunuan ni  Donna Lina-Flavier bilang “Tour of Heroes’ at mag-aalay ng dasal para sa mga nasawing pulis sa opening ceremony kung saan si  Bataan Gov. Abet Garcia at Balanga Mayor Joet Garcia ang magpapakawala sa mga siklista.

“To start the 2015 Le Tour  in Bataan at a time the nation is in mourning for the 44 slain SAF forces in Mamasapano (Maguindanao)inspires us to dedicate the race to our fallen heroes,” sabi ni Lina-Flavier. “The Le Tour de Filipinas is not only about sports and competition, it’s about fostering las­ting peace among nations through cycling.”

ABET GARCIA

ASIA TOUR

BALANGA MAYOR JOET GARCIA

BATAAN GOV

BOOTS RUAN CUYUBIT

DONNA LINA-FLAVIER

FILIPINAS

GALEDO

LE TOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with