Blakely itotodo ang lakas para tapatan si Leslie
Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Meralco vs Kia
7 p.m. Globalport
vs Purefoods
MANILA, Philippines - Aminado si coach Tim Cone ng nagdedepensang Purefoods na magiging dehado sila sa kanilang pagharap sa Globalport.
Ito ay dahil sa pagpaparada nila kay 6-foot-4 import Marqus Blakely, pansamantalang maglalaro para sa paparating pa lamang na si 6’8 Daniel Orton.
“We’ll have to find some solutions for them if we expect to win,” sabi ni Cone sa pagsagupa ng kanyang Hotshots sa Batang Pier ngayong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng Meralco Bolts at Kia Carnival sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Nanggaling ang Globalport sa 100-89 paggiba sa Kia kung saan humakot si 6’8 import CJ Leslie ng 33 points, 15 rebounds at 5 blockshots.
Sa unang laro, pakay din ng Meralco ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang Barangay Ginebra, 85-74, na nagtampok sa 25 points at 24 rebounds ni import Josh Davis.
Ang 23-anyos na San Diego standout ang nahugot ng Bolts matapos maunahan ng Gin Kings kay Michael Dunigan, naglaro para sa Air21 Express noong 2013.
Samantala, hinugot ng Blackwater si naturalized import Marcus Douthit bilang kapalit ni Chris Charles, nagkaroon ng hamstring injury sa kanilang tune-up game bago ang komperensya.
- Latest