MANILA, Philippines – Magbabalik si future hall of famer Anderson “The Spider” Silva sa Octagon para labanan si longtime contender Nick Diaz sa isang five round middleweight bout sa UFC 183 na isasaere via satellite sa Balls Channel sa Linggo.
Sa kanyang pitong taon na kampanya ay nakapagtala si Silva, isang established mixed martial artist, ng ilang records bilang kampeon sa 185-pound weight class.
Kasalukuyang tangan ni Silva ang 33-6-0 record, habang taglay ni Diaz ang 27-9-1 record.
Kilala si Diaz sa UFC bilang fighter na hindi umaatras at sumusuko sa laban.
Mapapanood ang UFC 183 sa Linggo (Pebrero 1), alas-11:30 ng tanghali sa Balls Channel.
Para sa iba pang updates, bumisita sa Channel’s official website (www.ballschannel.tv), i-like ang Balls Channel sa Facebook (www.facebook.com/BallsChannel), o i-follow ang official account sa Twitter (@BallsChannel)