^

PSN Palaro

Corteza di kinaya si Boening

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naubos si Lee Van Cor­teza sa krusyal na yugto ng kompetisyon para malasap ang 2-11 pagkatalo kay  Shane Van Boening sa 2015 Derby City Bigfoot 10-Ball Challenge na ginawa sa Horseshoe, Southern Indiana.

Nawala ang naunang magandang tumbok na naipakita ni Corteza at naka­iskor lamang siya ng panalo sa rack three at nine para makontento sa pangalawang puwesto.

Nakapasok si Corteza sa finals nang talunin sina Rodney Morris (11-8), Mika Immonen (11-10) at ang kababayang si Jeff Ignacio (11-7).  Sa huling dalawang laro ay naghabol si Corteza at tila nakaapekto ito sa ipinakita sa championship game.

Ito ang ikatlong Bigfoot 10-Ball title ni Van Boening pero ang naunang dalawa ay nangyari noon pang 2011 at 2012 edisyon.

Halagang $16,000 ang premyong nakuha ng US player habang si Corteza ay nakontento sa $8,000.00 gantimpala.

Ang nagdedepensang kampeon na si Dennis Orcollo ay nasibak kay Ignacio sa quarters, 11-8, at sila ni Ignacio ay nag-uwi ng $4,000.00 premyo nang nagsalo sa 3rd place.

Hindi rin kumapit ang suwerte kay Efren “Bata” Reyes na natalo kay Shannon Daulton sa semifinals ng Derby Classic 9-Ball Banks, 3-2.

Ang 60-anyos na si Reyes ay nagtangka na gumawa ng kasaysayan sa Derby City Classic bi­lang kauna-unahang man­­lalaro na nanalo sa 9-Ball, One Pocket at 9-Ball Banks. (AT)

BALL BANKS

BALL CHALLENGE

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

DERBY CITY BIGFOOT

DERBY CITY CLASSIC

DERBY CLASSIC

IGNACIO

JEFF IGNACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with