MANILA, Philippines – Ang athletics at touch football ang pag-uusapan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.
Tatalakayin ni Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) president Popoy Juico ang pagdaraos nila ng Philippine National Open sa Marso sa Laguna sa nasabing public sports program na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Philippine Amusement and Gaming Corp., Accel, at Shakey’s.
Makakasama rin ng dating PSC chairman ang mga miyembro ng Federation of Touch Football Pilipinas (FTFP) at ang Philippine Pythons national team.
Sila ay pamumunuan nina FTFP president Clair Barberis, coaches Craig Wislang at Mai Peregrina kasama sina players Roge Dublin, Nerice dela Cruz, Katrina Swee, Joan Javier, at Cassie Umali.