^

PSN Palaro

Ronda tutuklas ng bagong talento

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Susuyurin ng Ronda Pilipinas ang buong Pilipinas para makatuklas ng bagong talento na ma­gagamit ng Pambansang koponan sa hanga­ring tagumpay sa sasalihang international competitions.

Ito ang pangunahing misyon ng pakarerang handog ng LBC sa paglarga ng tatlong regional eliminations sa susunod na buwan para madetermina ang mga siklistang papasok sa Championship Round mula Pebrero 23 hanggang 28.

“We want Ronda to be a vehicle for our Filipino cyclists especially the young and talented ones while giving them a chance to make a living,” wika ni Moe Chulani, Executive Project Director ng Ronda Pilipinas.

Para mabigyan lahat ng pagkakataon, binuksan na ang karerang ito sa mga siklistang edad 17-anyos at ang mga lulusot ay magkakaroon ng ibang distansyang karera.

“We’re trying to lure  young talents particularly the 17-18 age group. If they join, they will have their own specific rules to protect them,” ani ni Ronda adminisrtrator Jack Yabut.

Halagang P1,000.00 lamang ang entry fee sa bawat karera sa qualifying round at ang Mindanao ang unang magdaraos nito sa Pebrero 8 at 9. Sunod ang Visayas sa Pebrero 11 at 12 bago ang Luzon sa Pebrero 15-16.

Ang mga mangungunang 30 riders sa bawat qualifying leg ang papasok sa Championship round na kung saan aabot sa 2,015 kilometers ang tatahakin ng karera at ito ay magsisimula sa Calamba, Laguna at magtatapos sa Baguio City.

Nakatiyak na ng puwesto sa karerang may basbas ng PhilCycling at suportado ng  MVP Sports Foundation bukod pa ng Maynilad, NLEX,Standard Insurance, Petron, Greenfield City, Viking Rent A Car at Radio1 Solutions, ang nagdedepensang kampeon na si Reimon Lapaza at ang mga national riders sa pangunguna ni Mark Ga­ledo.

vuukle comment

BAGUIO CITY

CHAMPIONSHIP ROUND

EXECUTIVE PROJECT DIRECTOR

GREENFIELD CITY

JACK YABUT

MARK GA

MOE CHULANI

PEBRERO

RONDA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with