^

PSN Palaro

Lady Tamaraws at Tigresses magpapataas ng kartada sa UAAP women’s volleyball

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan City)

8 a.m. – La Salle

vs UE (m)

10 a.m.- UP vs FEU (m)

2 p.m. – UE vs FEU (w)

4 p.m. – Adamson

vs UST (w)

 

MANILA, Philippines - Mga koponang nasa hu­ling apat na puwesto sa team standings ang mag­tutuos para umangat sa kani-kanilang puwesto sa 77th UAAP women’s vol­leyball ngayon sa The Are­na sa San Juan City.

Haharapin ng FEU La­dy Tamaraws ang UE La­dy Warriors sa ganap na alas-2 ng hapon at pakay na wakasan ang dalawang su­nod na pagkatalo na nag­la­gay sa kanila sa ikaanim na puwesto bitbit ang 3-5 ba­raha.

Matapos manalo sa Na­tional University Lady Bulldogs noong Disyembre 13, natalo ang Lady Tamaraws sa UST Tigresses sa pagtatapos noong Enero 10 bago dumapang muli sa La Salle Lady Archers noong Miyerkules.

Inaasahang babangon ang FEU sa larong ito dahil ang Lady Warriors ay hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang walong asignatura.

Pagsisikapan ng UST ang makatikim ng back-to-back win sa liga sa pag­harap sa Adamson Lady Falcons sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon.

Tinapos ng Tigresses ang limang sunod na pag­ka­talo sa pamamagitan ng 21-25, 27-25, 25-16, 25-23 panalo laban sa Lady Ta­maraws.

Sina Pam Lastimosa, Car­mela Tunay at Marivic Me­neses ang mga ma­ngu­nguna bilang mga beterano ng koponan pero kaila­ngang may ibang mukha ang lumutang tulad sa nangyari sa huling laro ma­tapos maghatid ng 16 hits si Cherry Ann Rondina.

Ipantatapat ng Lady Fal­cons ang mga mahuhusay na sina Mylene Paat, Amanda Villanueva, Faye Ja­nelle Guevara at Jessica Galanza para maitabla ang karta matapos ang walong laro at makatabla ang pa­hingang UP Lady Maroons sa ikaapat na puwesto.

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

AMANDA VILLANUEVA

CHERRY ANN RONDINA

FAYE JA

JESSICA GALANZA

LA SALLE

LADY

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with