^

PSN Palaro

Durant, Westbrook bumida sa Thunder

Pilipino Star Ngayon

WASHINGTON -- Sa git­na ng kinalolokohang “KD2DC” ay nagpasiklab si Kevin Durant ng 34 points pa­ra tulungan ang Oklaho­ma City Thunder sa 105-103 overtime win laban sa Wi­zards.

Sina Durant at Russell Westbrook ang umiskor ng lahat ng 13 points ng Thun­der sa overtime.

Kinuha ni Westbrook ang inbounds pass at suma­laksak para sa kanyang lay­up sa natitirang 0.8 segun­do sa extra period para sa win­ning bucket niya.

Tumapos siya na may 32 points para sa ikaapat na sunod na arangkada ng Ok­lahoma City.

Ngunit ang gabi ay para kay Durant, ipinanganak sa Washington DC at gustong mahugot ng Wizards bilang free agent sa 2016.

Ang mga ‘’KD2DC’’ T-shirts at simbolo ay naging po­pular items at ipinakita siya na suot ang isang photoshopped ‘’Washington’’ jer­sey sa replay screen sa wea­ther update sa fourth quarter.

Bumili si Durant ng 91 tickets para sa kanyang pa­milya at mga kaibigan.

Umiskor naman si Nene Hilario ng 24 points, kasama ang siyam sa 11 puntos sa overtime, para sa Wizards.

Kumolekta si guard John Wall ng 28 points at 13 assists, habang nag-am­bag si Bradley Beal ng 14 markers.

Sa Cleveland, tumipa si LeBron James ng 26 points, habang nagdagdag si Kevin Love ng 19 para igiya ang Ca­valiers sa 106-92 laban sa Utah Jazz para sa ka­ni­lang ikaapat na panalo.

BRADLEY BEAL

CITY THUNDER

JOHN WALL

KEVIN DURANT

KEVIN LOVE

NENE HILARIO

PARA

RUSSELL WESTBROOK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with