Sharapova pinahirapan ni Panova sa 2nd round

MELBOURNE – Dumaan sa butas ng karayom si Maria Sharapova sa second round ng Australian Open.

Ito ay matapos niyang talunin si  No. 150-ranked Alexandra Panova, 6-1, 4-6, 7-5.

Nagtala ang second-seeded na si Sharapova ng 51 unforced errors ngunit ipinagpatuloy ang kanyang paghataw para sa matutulis niyang ground strokes upang takasan si Panova.

Tinapos ni Sharapova, nagreyna noong 2008 Australian Open at may limang Grand Slam titles, ang kanilang laro ni Panova sa loob ng dalawang oras at 32 minuto.

Sa iba pang resulta, tinalo ni No. 10 Ekaterina Makarova si Roberta Vinci, 6-2, 6-4; giniba ni No. 21 Peng Shuai si Magdalena Rybarikova, 6-1, 6-1; pinatumba ni No. 22 Karolina Pliskova si Oceane Dodin, 7-5, 5-7, 6-4; at binigo ni Carina Witthoeft si Christina McHale, 6-3, 6-0.

Sa men’s side, sinibak naman ni three-time finalist Andy Murray si Australian Marinko Ma­tosevic, 6-1, 6-3, 6-2, patungo sa third round.

 

Show comments