Ivanovic, 3 pang seeded players sibak agad
MELBOURNE, Australia – Pinangunahan ng fifth seeded na si Ana Ivanovic ang mga pinaniwalaang palaban na namaalam sa first round ng Australian Open noong Lunes.
Ang dating number one player at French Open champion ay nasibak kayCzech qualifier Lucie Hradecka, 1-6, 6-3, 6-2.
Nakasama ni Ivanovic na namaalam sa mga seeded players ay sina Svetlana Kuznetsova (27th), Belinda Bencic (32nd) at Sabine Lisicki (28th).
Si Kuznetsova na 2004 US Open at 2009 French Open champion ay natalo kay Caroline Garcia ng France, 4-6, 2-6; si Bencic ay namaalam kay Julian Goerges sa loob lamang ng isang oras na tagisan, 2-6, 1-6; at si Lisicki ay yumuko kay Kristina Mladenovic ng France, 6-4, 4-6, 2-6.
“I played okay in the beginning. Just I felt second and third set I really dropped my level,” wika ni Ivanovic na noong 2011 pa huling lumasap ng pagkatalo sa first round.
Samantala, inianunsyo ni Rafael Nadal ang kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng 6-3, 6-2, 6-2, panalo laban kay Mikhail Youzhny ng Russia.
Naroon uli ang mga pamatay na returns ni Naval na napahinga ng ilang buwan dahil sa injuries at pagkakasakit.
Tinapos ng third-seeded Spaniard ang larong tumagal halos ng dalawang oras gamit ang matinding cross-court volley para pagpahingahin ang 32-anyos na katunggali na dating nasa top 10 sa kalalakihan.
Sunod na kalaban ni Nadal alinman kina Luke Saville ng Australia o Tim Smyczek ng US.
- Latest