POC nag-utos ng open tryout sa women’s volleyball team
MANILA, Philippines - Nasa kamay na ng mga volleyball players kung nais nilang mapasama sa bubuuing women’s natio-nal team na ilalaban sa Singapore SEA Games.
Inihayag ni POC 1st Vice President Joey Roma-santa na tinokahan na ng pamunuan ang pagbuo ng panlaban na koponan sa team sport na ito, na binuksan sa lahat ng mga manlalaro ang pagpapatala ng pangalan upang siyang pagpilian para sa Singapore Games.
Naunang inihayag ni Romasanta na magpapalabas siya ng pangalan na iimbitahan para mapasama sa koponang hahawakan nina coaches Roger Gorayeb at Sammy Acaylar pero isinantabi ito para magkaroon ng pagkakataon na makasama ang mga manlalarong napili sa koponang binuo ng Philippine Volleyball Federation (PVF) at hawak ni coach Ramil de Jesus.
“We have opened the door to everybody who wants to be part of the national team. Nakipag-ugnayan na rin ako kay Tina Salak at sinabihan siya na ipadala lamang niya ang mga biodata ng mga players para masama sa listahan,” wika ni Romasanta.
Si Salak ang team captain sa PVF team at hinihintay pa ni Romasanta ang magiging tugon ng kanilang grupo.
Naunang bumuo ang PVF ng koponan sa kababalihan at kalalakihan na balak isali sa SEAG at suportado ng PLDT pero nagkaroon ng problema dahil hindi kinikilala ng POC ang liderato ng asosasyon dahil hindi pa sila nag-e-eleksyon.
Sa Enero 25 balak gawin ng PVF ang kanilang halalan pero tila hindi na makakatulong ito lalo pa’t nagdesisyon na ang POC na siyang mangangasiwa sa pagpapadala ng kopo-nan.
Naniniwala si Romasanta na kayang manalo ng bronze medal ang Pilipinas lalo pa’t mataas na ang kalidad ng women’s volleyball sa bansa. (AT)
- Latest