Giants durog sa Hapee

Laro sa Lunes

The Arena, San

Juan City

12 n.n. Bread Story/LPU vs Cebuana Lhuillier

2 p.m.  Café France vs Wangs Basketball

4 p.m.  Tanduay Light  vs AMA University

 

MANILA, Philippines - Naghatid ng 11 puntos si Ola Adeogun sa kanyang pagbabalik sa Hapee Fresh Fighters para tulungan ang koponan sa 82-56 demolisyon laban sa Jumbo Plastic Giants sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Anim na puntos ang agad na ibinigay ng 6’7 Nigerian center sa Fresh Fighters matapos lamang ang  unang yugto para  ilayo sa 21-16 ang koponan.

Sa ikalawang yugto, tu­lu­yang bumuhos ang puntos sa tropa ni coach Ronnie Magsanoc gamit ang 17-0 run para trangkuhan ang 46-26 iskor sa halftime.

Si Bobby Ray Parks Jr. ang nanguna sa Hapee sa kanyang 21 puntos at 12 boards habang sina Garvo Lanete at Troy Rosario ay nagsanib sa 16 puntos upang angkinin ng koponan ang ika-sampung sunod na panalo.

“Matagal ang naging break namin and we’re just trying to build some momentum,” wika ni Magsanoc.

Huling laro ng koponan ay laban sa Cagayan Valley Rising Suns sa Enero 22 na sinasabing pagkikita ng dalawang koponan na magtutuos sa best-of-three championship.

 Giniba ng Bread Story/LPU Pirates ang MP Hotel Warriors, 104-85, para agawin pansamantala ang mahalagang ikaanim na puwesto sa pahingang Tanduay Light Rhum Masters.

 Tinalo ng Racal Motors Alibaba ang MJM M-Buil­ders, 94-92, para wakasan ang tatlong sunod na pagkatalo kasabay ng pagpigil sa dalawang dikit na panalo ng katunggali. (ATan)

Show comments