Dragonboat tigil muna para sa Papal visit

MANILA, Philippines - Pansamantalang ihihin­to ang mga aksyon sa dra­gonboat sa Manila Bay sa Enero15-19 kaugnay sa Maritime Security Ope­ration na ipatutupad ng Philippine Coast Guard at ng Philippine Navy para sa pagbisita ni Pope Francis.

Ayon sa Philippine Ca­noe-Kayak Federation (PCKF), isasara ang dock site para sa mga paddlers para tumugon sa “No Sail Zone” na idineklara ng Coast Guard at ng Navy.

“There will be 1,600 paddlers from the different dragonboat clubs who can’t paddle on the said dates because of the No Sail Zone in Manila Bay,” sabi ni PCKF head coach Len Es­collante.

Hindi naman apektado ang mga miyembro ng na­tional dragonboat team da­hil hindi sila nagsasanay sa Manila Bay.

Hiniling ni Coast Guard Substation CCP comman­der CPO Edgard Tantiado sa PCKF na pansamantalang iti­gil ang kanilang trai­ning ses­sions sa Manila Bay bi­lang bahagi ng security measures.

Bukod sa dragonboat, ihi­hinto rin ang mga laro sa juniors basketball at volleyball para sa Papal visit.

 

Show comments