Dragonboat tigil muna para sa Papal visit
MANILA, Philippines - Pansamantalang ihihinto ang mga aksyon sa dragonboat sa Manila Bay sa Enero15-19 kaugnay sa Maritime Security Operation na ipatutupad ng Philippine Coast Guard at ng Philippine Navy para sa pagbisita ni Pope Francis.
Ayon sa Philippine Canoe-Kayak Federation (PCKF), isasara ang dock site para sa mga paddlers para tumugon sa “No Sail Zone” na idineklara ng Coast Guard at ng Navy.
“There will be 1,600 paddlers from the different dragonboat clubs who can’t paddle on the said dates because of the No Sail Zone in Manila Bay,” sabi ni PCKF head coach Len Escollante.
Hindi naman apektado ang mga miyembro ng national dragonboat team dahil hindi sila nagsasanay sa Manila Bay.
Hiniling ni Coast Guard Substation CCP commander CPO Edgard Tantiado sa PCKF na pansamantalang itigil ang kanilang training sessions sa Manila Bay bilang bahagi ng security measures.
Bukod sa dragonboat, ihihinto rin ang mga laro sa juniors basketball at volleyball para sa Papal visit.
- Latest