^

PSN Palaro

Abap ‘napaso’ sa sinasabing hindi paglahok nina Suarez at Barriga sa 2015 Sea Games

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw ng ABAP sa in­ternational federation (AIBA) kung puwede pang lumahok sina Mark Anthony Barriga at Charly Suarez sa gaganaping Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo.

Ayon kay ABAP executive director Ed Picson, ang komunikasyon ay ipinadala na sa AIBA noong Huwe­bes matapos umani ng hin­di magandang reaksyon ang kanyang pahayag na hin­di makakasama sina Barriga at Suarez sa Singapore dahil pagtutuunan ang gagawing kampanya sa AIBA Professional Boxing.

Ang palarong ito na pi­natatakbo ng AIBA ay ga­gamitin bilang isang Olympic qualifying event para sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Kailangang kunin ang opinyon ng AIBA dahil na­ka­saad sa alituntunin ng li­ga na ang mga sasaling boksingero ay puwede na lamang lumahok sa mga World at Continental level tournaments.

“Palaro ito ng AIBA ka­ya kailangan muna natin li­nawin kung puwedeng mag­laro pa sina Barriga at Suarez sa SEA Games. Ang gusto kasi ng IF, ang mga boksingerong kasali ay lalaro na lamang sa ma­tataas na level na tourna­ments para lalo silang mahasa at mabigyan din ang ibang boxers na ipakita ang galing sa mga lower level tournaments tulad ng SEA Games,” wika ni Picson.

Nabahala ang mga sports officials ng bansa nang ihayag ang hindi pag­sama nina Barriga at Suarez dahil ang dalawa ay patok sa ginto sa SEAG.

Ang Olympian na si Bar­riga ay nanalo ng ginto sa light flyweight division sa 2013 Myanmar Games, habang si Suarez ay nag-uwi ng pilak sa lightweight division noong 2014 Incheon Asian Games.

Ang dalawa ay priority athletes ng PSC at nasabi ni chairman Ricardo Garcia na posibleng matanggal ang dalawa kung hindi mag­lalaro sa Singapore.

“Kung pumayag ang AIBA baka makasama sila. Pero kung hindi puwede, may iba pa naman tayong  boxers na puwedeng ipalit sa kanila. Wala namang ka­­siguruhan dito sa boxing. Ang matitiyak lamang ng ABAP ay ang ipadadala na­min sa Singapore ay iyong tu­nay na may tsansang ma­nalo ng ginto,” paliwanag pa ni Picson.

Nais ng Pilipinas na ma­kabangon matapos malag­lag sa pinakamasamang pagtatapos na ika-pitong pu­westo sa Myanmar sa pag­sali sa Singapore na ga­gawin sa Hunyo 4 hanggang 15. (ATan)

vuukle comment

AIBA

ANG OLYMPIAN

BARRIGA

CHARLY SUAREZ

ED PICSON

HUNYO

INCHEON ASIAN GAMES

SHY

SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with