^

PSN Palaro

2-0 bentahe puntirya ng Aces kontra Beermen

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta

Coliseum)

7 p.m. Alaska

vs San Miguel

(Game 2, Finals)

 

MANILA, Philippines - Sa kanyang rookie year noong 2013 ay kaagad napasabak si Calvin Abueva sa PBA Finals.

Hindi man masyadong naasahan ay nakatulong pa rin ang 6-foot-2 small for­ward para makuha ng Alaska, kasama si import Rob Dozier, ang korona ng PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay Abueva, ang nasabing championship ex­perience ang siya niya nga­yong napapakinabangan.

“Naka-experience na ako ng Finals eh. Pumasok sa akin ‘yun kaya iyon ang mindset ko, ang maglaro with best energy sa game,” sa­bi ng produkto ng San Se­bastian Stags.

Sa 88-82 overtime win ng Aces laban sa San Mi­guel Beermen sa Game One ng kanilang champion­ship series para sa 2014-2015 PBA Philippine Cup noong Miyerkules ay kumo­lekta si Abueva ng 22 points at 10 rebounds.

Inaasahang muling ma­kakatulong si Abueva sa ha­ngad na 2-0 kalamangan ng Alaska kontra sa San Miguel sa Game Two nga­yong alas-7 ng gabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

“Hindi pa tapos ito (title series). Marami pang game na dadaanan at gagawin kaya focus lang at stay hum­ble,” sabi ni Abueva.

“Ito na yung Finals kaya kailangan mo na ibuhos ang lahat,” dagdag pa nito.

Lumamang ang Beermen ng 22 points sa first pe­riod at 14 points sa third quarter hanggang makauna ang Aces sa 65-62 sa 6:17 minuto ng final canto patu­ngo sa overtime, 74-74.

“We started strong, led by 22 points at the end of the first quarter and then I don’t know what happened,” wika ni San Miguel coach Leo Austria.

Kumamada ang bench ng Aces ng 61 points kum­para sa 20 ng Beermen bu­kod pa sa mahigpit na depensang ibinigay nina 6’9 Sonny Thoss at 6’6 Eric Menk kay 6’10 June Mar Fajardo sa kabuuan ng laro.

“A major factor was the Alaska bench outscoring ours, 61-20. There’s also their tough, tough defense and they’re not drawing fouls,” ani Austria. “Si June Mar (Fajardo), mukhang na­pagod.”

Hindi nakaiskor si Fajar­do, tumapos na may 14 points at 17 rebounds, sa ex­tra period sa nasabing ka­­biguan ng San Miguel.

ABUEVA

BEERMEN

CALVIN ABUEVA

ERIC MENK

GAME ONE

GAME TWO

JUNE MAR FAJARDO

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with