Lady Chiefs lumapit sa finals ng women’s volleyball

MANILA, Philippines – Lumapit sa kanilang ina­­asam na pagbabalik sa fi­nals ang Arellano Univer­sity matapos talunin ang San Sebastian, 25-18, 25-19, 25-21, sa women’s di­­vision ng 90th NCAA vol­ley­ball tournament kaha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Nanguna sina Men­chie Tubiera at CJ Rosario mula sa kanilang tig-14 hits para sa unang panalo ng Lady Chiefs sa semis.

Isang panalo na lamang ang kanilang kaila­ngan para makaabante sa best-of-three finals series.

Naglista sina Tubiera at Rosario ng pinagsamang 23 spikes at naging san­digan ng depensa ng Arellano na naglimita kay Gretchel Soltones at sa San Sebastian attackers.

Hangad ng Lady Chiefs ang kanilang ikalawang fi­nals stint matapos mata­lo sa Perpetual Help Lady A­l­tas noong nakaraang sea­son.

Pinamunuan ni Sol­tones, isang Shakey’s V-League veteran, ang La­­dy Stags sa kanyang 15 points.

Umagaw naman ng ek­­sena ang College of St. Benilde matapos gulatin ang three-peat champion Perpetual Help, 26-24, 25-22, 25-18, para sa hangad na finals berth.

Nagposte si Jannine Na­varro ng 17 hits para sa nasabing tagumpay ng Lady Blazers laban sa La­dy Altas.

Sa high school division, pinabagsak ng Perpe­tual Help ang Emilio Aguinaldo, 25-18, 23-25, 25-21, 25-20, habang giniba ng Ly­ceum ang San Sebastian, 21-25, 25-22, 25-22, 28-26, para makalapit sa fi­nals berth.

Nagtala si Malden Del­dil ng match-best na 23 hits, kasama ang 17 kills at 5 blocks, para igiya ang Ju­nior Altas sa unang pana­lo sa single-round robin se­mifinals.

Susunod na lalabanan ng Las Piñas-based school ang Lyceum kung saan  ang mananalo ang kukuha sa unang silya sa best-of-three finals series.

Show comments