Pistons lusot sa Spurs; Suns pinalubog ang Bucks
SAN ANTONIO – Ang masamang inbound pass ni Spurs star center Tim Duncan sa huling pitong segundo ang nagresulta sa panalo ng Detroit Pistons.
Nakuha ni Brandon Jennings ang bola at isinalpak ang isang 11-foot jumper para ihatid ang Pistons sa 105-104 panalo laban sa Spurs.
Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Detroit.
Nag-ambag naman si Andre Drummond ng 20 points at 17 rebounds at naglista si Greg Monroe ng 17 points at 11 boards para sa Pistons na nakabangon mula sa 18-point deficit sa first half.
“We are getting better,” sabi ni Detroit coach Stan Van Gundy. “If you stay in there, sometimes you get a break. We had a very good break at the end. We got lucky at the end. Our resolve to stay in the game right down to the last few seconds was huge.”
Winakasan ng Pistons ang kanilang four-game skid sa San Antonio (21-15).
Nagposte si D.J. Augustin ng 19 points para sa Detroit (11-23) na hindi pa natatalo matapos pakawalan si Josh Smith noong Dec. 22.
Naglaro naman si San Antonio point guard Tony Parker ng 13 minuto sa kanyang pagbabalik mula sa five-game absence dahil sa strained left hamstring.
Ang Spurs ay may 6-7 record kapag wala si Parker.
Binigyan ng San Antonio ng foul si Jodie Meeks ng Detroit matapos ang split ni Patty Mills sa huling 10.8 segundo na nagbigay sa Spurs ng 104-101 abante.
Kumonekta naman si Meeks ng dalawang free throws na nagdikit sa Pistons sa 103-104 sa nalalabing walong segundo.
Ang masamang inbound pass ni Duncan para kay Mills ay nakuha ni Kentavious Caldwell-Pope at ipinasa kay Jennings para sa panalo ng Detroit.
Sa Milwaukee, nagposte si Markieff Morris ng 26 points at humaltak ng 10 rebounds para ibigay ang Phoenix Suns sa 102-96 panalo kontra sa Bucks.
Nag-ambag si Isaiah Thomas ng 19 markers, habang may 16 si Goran Dragic para sa Suns.
Pinamunuan naman ni Brandon Knight ang Bucks sa kanyang 26 points kasunod ang 16 ni Giannis Antetokounmpo.
- Latest