Kung ‘di matuloy ang laban kay Mayweather Koncz gustong ikasa si Pacquiao sa mababang timbang, Arum tutol
MANILA, Philippines – Magkaiba ang pananaw ng dalawang mahahalagang tao sa kampo ni Manny Pacquiao kung tungkol sa timbang na kanyang paglaruan.
Nasabi ni Bob Arum na mananatili sa 147-pound si Pacquiao kung sakaling hindi matuloy ang kinasasabikang laban kontra kay Floyd Mayweather Jr.
Pero kung ang adviser na si Mike Koncz ang tatanungin, dapat ay bumaba sa 140-pound ang Pambansang Kamao dahil ito ang tama sa kanyang pangangatawan.
Idinagdag pa ni Koncz na noon pa napag-usapan nila ni Pacquiao ang bagay na ito ay kahit ang Kongresista ng Sarangani Province ay sang-ayon sa pagbaba ng timbang.
“People keep criticizing that, ‘Oh, Manny has gotten old and has lost his power. But what people don’t really understand is that he’s fighting at a weight much higher than his natural body weight,” wika ni Koncz.
“These guys are bigger, stronger. They are used to the power punches. Anytime we fought in the welterweight division we’re giving away 15 to 30 pounds,” dagdag nito.
Tinuran pa ni Koncz na ang huling laban kontra kay Chris Algieri ay ginawa sa catch weight na 144 para mapanatili ni Pacquiao ang kanyang bilis at lakas ng mga kamao.
Tunay ang nangyari dahil anim na beses na tumumba ang dating walang talong si Algieri tungo sa unanimous decision panalo.
Kaya kung hindi matutuloy ang laban kontra kay Mayweather, ang sunod na sampa ni Pacquiao ay sa light welterweight division.
- Latest