^

PSN Palaro

Sa UAAP women’s volleyball tournament: Lady Eagles nalusutan ang Maroons; Lady Spikers nanatili sa liderato

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumaan man sa butas ng karayom ay sapat pa rin ang karanasan ng nag­dedepensang Ateneo Lady Eagles para maisan­tabi ang maituturing bilang pinakamagandang pagla­laro ng UP Lady Maroons sa 77th UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Lima sa kanyang 25 hits ang ginawa ni Alyssa Val­dez sa ikalima at huling set para bitbitin ang Lady Eagles sa 25-18, 22-25, 25-20, 15-25, 15-11 panalo at maisulong ang winning streak sa lima.

Wala namang hirap ang dating kampeon La Salle Lady Archers sa pag­tu­hog sa ikaanim na sunod na panalo sa pamamagitan ng  25-6, 25-16, 25-11 straight sets win sa host UE Lady Warriors sa ikala­wang laro.

Si Ara Galang na ipi­nagdiwang ang kanyang ika-20th kaarawan kahapon ay may 10 hits tulad ni Mika Reyes para ipatikim sa UE ang ikaanim na su­nod na pagkatalo.

Ito ang unang laro ng Ate­neo sa loob ng isang bu­wan at unang pagkaka­taon na lumasap sila ng set loss at umabot sa fifth set ang laban sa season.

“Maganda ang inilaro ng UP at kami, halos lahat off dahil sa holidays kaya masaya ako at naipanalo pa naming ito,” wika ni Valdez na may 20 kills, 3 blocks at dalawang aces.

Ang pang-apat niyang puntos sa fifth set ang nagbigay sa koponan ng 11-9 kalamangan pero gumawa ng magkasunod na kills si Nicole Anne Tiamzon pa­ra dumikit ang UP sa isa, 10-11.

Ngunit nawala ang momentum sa State University sa service error si Angeli Pauline Araneta.

Isang service ace ang pinakawalan ni Julia Morado at matapos ang isa pang error ng UP ay matinding kill ang ginawa ni Valdez para tapusin ang labang tumagal ng isang oras at 52 minuto.

May 12 at 11 hits sina Isa­belle De Leon at Amy Aho­miro, si Morada ay may 43 excellent sets at ang liberong si Denden La­zaro ay may 11 digs para angkinin ng Ateneo ang ika-15 sunod na panalo sa UP mula 2007.

Huling nagwagi ang La­dy Maroons sa Lady Eagles ay noon pang Enero 17, 2007 gamit ang marathon na 37-35, 22-25, 20-25, 25-17, 15-12 panalo.

Nasayang ang 22 puntos, tampok ang 21 kills, ni Tiamzon nang lasapin ng ko­ponan ang ikaapat na pag­katalo laban sa dalawang panalo.

Nalaglag ang UP sa ika­anim na puwesto sa wa­long koponang naglalaban.

ALYSSA VAL

AMY AHO

ANGELI PAULINE ARANETA

ATENEO LADY EAGLES

DE LEON

DENDEN LA

JULIA MORADO

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with