^

PSN Palaro

Bilyar yearender: Pinas ibinandera nina Reyes, Orcolo at Faraon

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi man kasing-ki­nang kumpara sa mga nagdaang taon ay hindi naman natahimik ang Pambansang bilyarista kung pagbibigay ng karangalan ang pag-uusapan sa 2014.

Ang mga tinitingalang sina Dennis Orcollo at Efren “Bata” Reyes ay umani ng panalo sa ilang sinalihang torneo habang nakatikim din ng tagumpay si Raymund Faraon para maging maningning pa rin ang larong bilyar.

Unang nagsanib sina Orcollo at Reyes sa buwan ng Enero nang kumulekta ng mga titulo sa Derby City Classic.

Kampeon si Reyes sa One Pocket Division para iuwi ang $12,000 habang si Orcollo ay nangibabaw sa 9-Ball Banks tungo sa $10,000.00 premyo.

Isama pa ang dala­wang pang-apat na puwesto sa One Pocket at 9-Ball Division, si Orcollo ang ginawaran bilang Master of the Table para sa ka­ragdagang $20,000.00 gantimpala.

Lalabas si Orcollo bilang pinaka-aktibong pool player ng bansa dahil 24 ang torneong kanyang si­na­lihan. Pito ang naipanalo niya pero walang major title na nakuha dahil pumangalawa lamang siya sa US Open 9-Ball habang bigo sina Orcollo at Lee Van Corteza na maidepensa ang titulo sa World Cup of Pool nang matalo sa quarterfinals laban kina Mika Immonen at Petri Makkonen ng Finland.

Sa kabuuan, si Orcollo ay nagkamal ng $90,575.00 premyo at kahit ito ang pinakamababang kinita sa huling apat na taon, siya pa rin ang lumabas bilang winningest sa mga Pinoy.

Sa kabilang banda, nagkaroon pa ng dalawang  panalo ang 60-anyos na si Reyes nang pangunahan ang Smokin Aces One Pocket Shootout para sa $25,000.00 premyo at ang 2nd Manny Pacquiao Cup Singles tungo sa $13,000.00 gantimpala.

Nasa 15 torneo ang sinalihan ni Reyes at kuma­big siya ng $67,000.00 para sa pinakamataas na kinita mula 2010 nang manalo siya ng $93,709.00.

Si Faraon ang sinandalan ng bansa sa 47th All-Japan Championship nang tinalo si Naoyuki Oi ng host country.

Sinandalan naman sa kababaihan si Rubilen Amit na nagkamit ng $12,000.00 premyo sa tatlong kompe­tisyong sinalihan.

Pinakamagandang pag­tatapos ni Amit ay nangyari sa Amway World Open sa Chinese Taipei nang pumangatlo siya bago nasundan ng fifth place pagtatapos sa China Open. Nasa ika-17th puwesto si Amit sa World Women 9-Ball Championship.

May senyales na may maaasahang pamalit ang bansa sa mga pinagpipitaganang cue-artist at ito ay sa katauhan nina Jeffrey Roda at Cheska Centeno.

Kumampanya ang dalawa sa World Junior Pool Championship sa Shanghai, China at si Roda ay umani ng pilak nang minalas na na-scratch sa 15th at huling rack tungo sa 7-8 pagkatalo kay Kong De-jing ng China.

Bronze naman ang naiuwi ni Centeno nang natalo kay Kamila Kohd-Jaeva ng Belguim, 5-9, sa semifinals.

ALL-JAPAN CHAMPIONSHIP

AMWAY WORLD OPEN

BALL BANKS

BALL CHAMPIONSHIP

BALL DIVISION

NANG

ORCOLLO

REYES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with