^

PSN Palaro

Gilas veterans sinisipat ni Baldwin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang mga beterano ng Gilas Pilipinas na sina June Mar Fajardo at Jayson Castro bukod pa sa matangkad na si Greg Slaughter ang mga PBA players na maaaring kunin ni coach Tab Baldwin para sa bubuuing koponan na lalaro sa 2015 FIBA Asia Championship sa Wuhan, China.

Sa Enero lilipad patu­ngong US si Baldwin para sa maigsing bakasyon at bago ito ay uupo siya kasama ng SBP nomina­ting at selection committee para iporma ang plano ng Pambansang koponan.

“He’s flying home in January. It’s better if he can lay down something before he leaves,” wika ni PBA board chairman Patrick Gregorio na kabilang sa SBP special committee na pinamumunuan ni SBP vice chairman Ricky Vargas.

Mahalaga ang FIBA Asia dahil ang magkakampeon dito ang siyang kaka­tawan sa rehiyon para sa 2016 Rio de Janiero Olympics.

Para mapaghandaan ang nasabing kompetisyon, ang bubuuing koponan ay ilalaban muna sa kompetis­yon sa labas ng bansa sa pangunguna ng Jones Cup sa Taipei.

Hindi naglaro ang Pilipinas sa Jones Cup sa huling dalawang taon nang nagkalamat ang pagtitinginan ng bansa at Taipei bunga ng pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman sa Batanes noong 2012.

“Gilas Pilipinas is joining the Jones Cup this year upon the instruction of SBP president Manny V. Pangilinan. ED (executive director) Sonny Barrios has confirmed Gilas’ participation in the Jones Cup and the organizers have replied, expressing great joy,” dagdag ni Gregorio.

Ang Jones Cup ay gagawin mula Agosto 26 hanggang Setyembre 6 habang ang FIBA Asia Championship ay mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3.

Ang US mentor na si Baldwin na consultant din ng Talk ‘N Text sa PBA, ang pinili para maging  kapalit ni dating national coach Chot Reyes na nagbitiw matapos ang ikapitong pagta­tapos sa Asian Games sa Incheon, Korea.

ANG JONES CUP

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIAN GAMES

BALDWIN

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

GREG SLAUGHTER

JANIERO OLYMPICS

JONES CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with