^

PSN Palaro

Wade hiniya ang pagbabalik ni James sa Miami

Pilipino Star Ngayon

MIAMI-- Kabiguan ang ipinatikim ng Heat sa nagbabalik na si LeBron James at sa Cleveland Cavaliers.

Humugot si Wade ng 24 sa kanyang 31 points sa first half, habang nagdagdag si Luol Deng ng 25 points para pangunahan ang Heat sa 101-91 panalo laban sa Cavaliers   sa kanilang Christmas matchup.

Bago ang laro ay nagyakap muna ang magkaibigang sina Wade at James.

“We didn’t have a bad breakup,” wika ni Wade. “We played against each other for seven years, man. The weirdness just wasn’t there. It wasn’t like we played against each other our whole career and the breakup happened. We pla­yed against each other for seven years, then with each other for a period of time, then he went back to the same situation and I’m in the same place.”

Nang dumating si Ja­mes, nagbalik sa Cleveland sa offseason matapos ang apat na seasons at dalawang NBA titles sa Heat, at ang Cavaliers sa South Florida noong Miyerkules, nagtungo ang four-time NBA MVP sa bahay ni Wade.

Ipagdiriwang ni James ang kanyang ika-30 kaa­rawan ngayon at may ilang katanungan siya sa 32-anyos na si Wade kung ano ang mga pagbabago sa naturang edad.

Ito ang kanilang pinag-usapan at hindi ang sinasabing pagiging title contender ng Cavaliers.

Nagposte si James na may 30 points at 8 assists para sa Cavaliers, habang may 25 points si Kyrie Ir­­ving at 14 si Kevin Love.

Lumamang ang Miami ng 17 points at naiwanan  ng Cleveland sa fourth quarter bago muling makuha ang kalamangan para selyuhan ang kanilang panalo.

Naglaro ang Heat nang wala si Chris Bosh na may calf injury.

Sa iba pang laro, tinalo ng Washington ang New York, 102-91; pinabagsak ng Oklahoma City ang San Antonio, 114-106; dinaig ng Chicago ang LA Lakers, 113-93’ at pinayukod ng LA Clippers ang Golden State Warriors, 100-86.

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

GOLDEN STATE WARRIORS

KEVIN LOVE

KYRIE IR

LUOL DENG

NEW YORK

OKLAHOMA CITY

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with