Camacho kumpiyansa sa Team Phl sa SEAG
MANILA, Philippines - Base sa inisyal na pagpupulong sa mga National Sports Associations (NSAs) na sasali sa Singapore SEA Games, kampante ang Chief de Mission na maabot ang target ng delegasyon.
“Our primary goal is to improve on our last finish,” wika ni Julian Camacho, ang secretary general ng wushu at at CDM ng Pambansang koponan.
Nasa 402 medalya mula sa 36 sports ang paglalabanan sa Singapore at kailangang umabot sa 10 percent ang gintong mapanalunan ng mga ilalabang atleta.
Humigit-kumulang ay nasa 800 ang atletang ipinatala sa SEAG organizers para mabigyan ng accreditation.
Agad na iniwas ni Camacho ang pangamba na ito na ang magiging bilang ng delegasyon dahil sasalain pa ito para madetermina kung sino ang pupuwede.
Pero kung si Camacho ang tatanungin, pasado ang 500 atleta dahil ang bansa ay sasali sa 34 sa 36 events na paglalabanan.
Kasama rito ang mga team sports ng basketball (men/women), traditional boat race o dragonboat (men/women) at softball. May posibilidad ding makasama ang volleyball depende sa problema sa liderato ng PVF.
Ang mga dapat na mag-deliver ay ang mga mayayaman sa gintong medalya na athletics, swimming, shooting at gymnastics.
Kung makalima ang bawat sports na ito at manalo rin ang Pilipinas sa dragonboat ay puwedeng lumaban sa top three ang ipadadalang delegasyon.
- Latest