^

PSN Palaro

Karibal sina Melecio at Dyke Nieto bumabandera sa UAAP Jrs. MVP award

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Asahan ang mahigpi­tang labanan para sa 77th UAAP juniors MVP nang tatlong manlalaro ang lu­mabas na may malaking tsan­sa na mapanalunan ang nasabing individual award.

Si Mike Nieto ng Ateneo Blue Eaglets ang nakakuha ng unang puwesto matapos ang pitong laro ngunit na­kadikit sina Aljun Melecio ng De La Salle Zobel  Ju­nior Archers at Mark Dyke ng National University Bullpups.

Nakalikom si Nieto ng 69.8571 Total Statistical Points at nagmula ito sa 384 statistical points at 105 Bo­nus Points.

Naghatid ang sentro ng Blue Eaglets ng 15 points, 10 rebounds at 2.5 assists para tulungan ang koponan sa 7-0 marka.

Sina Melecio at Dyke ay magkasalo naman sa ika­lawang puwesto ta­ngan ang magkatulad na 67.4286 TSP.

Lumabas si Melecio bi­lang No. 1 sa scoring sa kanyang 16.4 points at si­yang may pinakamagandang all-around stats matapos ang unang ikutan sa kanyang 6.0 rebounds, 6.0 assists at 1.7 steals para ila­gay ang Junior Archers sa ikatlong puwesto sa 5-2 ba­raha.

Nasa ikalawang upuan ang nagdedepensang Bullpups sa 6-1 karta at si Dyke ang pangunahing pu­wersa ng koponan sa ibinibigay na 14.3 points, ang na­ngungunang 13.2 rebounds at 1.7 assists.

Naunsiyami ang ha­nga­rin ng NU na palawigin ang pagpapanalo sa liga nang matapos sa 22-game winning streak mula sa 64-66 pagkatalo sa Ateneo sa pagtatapos ng first round noong Sabado.

Ang kakambal ni Mike na si Matt Nieto ang nasa ika­apat na puwesto ta­ngan ang 62.5714 TSP, ha­bang si Joaquin Banzon ng DLSZ ang nasa ika-li­mang puwesto sa kanyang 55.5714 TSP.

ALJUN MELECIO

ATENEO BLUE EAGLETS

BLUE EAGLETS

DE LA SALLE ZOBEL

JOAQUIN BANZON

JUNIOR ARCHERS

MARK DYKE

MATT NIETO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with