^

PSN Palaro

Magandang ‘Pamasko’ sa St. Benilde spikers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ng St. Benilde ang kampanya sa 90th NCAA volleyball elimination round bitbit ang mga panalo sa women’s at men’s division sa pagtatapos ng naturang yugto kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Gumawa ng tig-12 hits sina Jannine Navarro at Jeanette Panaga para sa Lady Blazers para pangunahan ang 25-18, 25-17, 25-17, panalo sa Lyceum Lady Pirates.

Pinaglaro rin ni coach Michael Carino ang kanyang bench players para paghandaan ang mas matinding kompetisyon sa semifinals.

Ito ang ikapitong panalo matapos ang siyam na laro ng Lady Blazers para tapatan ang mga karta ng San Sebastian Lady Stags at defending champion Perpetual Help Lady Altas.

Nanguna sa kababaihan ang Arellano Lady Chiefs na hindi natapos sa siyam na laro.

Tinapos din ng Blazers ang kampanya sa men’s volleyball tangan ang 7-2 baraha matapos ang 25-18, 25-19, 24-26, 25-17, panalo sa Lyceum Pirates.

May 19 kills tungo sa 22 puntos si Johnvic De Guzman habang naghati sa 26 puntos sina Marjun Alingasa at Racmade Etrone upang magkaroon din  ng winning momentum ang Blazers papasok sa semifinals.

Ang Emilio Aguinaldo College Generals ay hindi natalo sa laro habang ang nagdedepensang kampeon Perpetual Altas (8-1) at Arellano Chiefs (6-3) ang iba pang umabante sa Final Four.

ANG EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

ARELLANO CHIEFS

ARELLANO LADY CHIEFS

FINAL FOUR

JANNINE NAVARRO

JEANETTE PANAGA

JOHNVIC DE GUZMAN

LADY BLAZERS

LYCEUM LADY PIRATES

LYCEUM PIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with