Bakers babawi sa kamalasan

Laro Ngayon Ynares Arena (Pasig City)

12 n.n.  Racal Motors vs Tanduay Light

2 p.m. Café France vs Bread Story-LPU

MANILA, Philippines – Didistansya muli ang Ca­fé France Bakers sa pahingang Jumbo Plastic Gi­ants sa pagharap sa Bread Story-LPU Pirates sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Galing ang Bakers sa 70-55 pagkakadurog sa mga kamay ng Hapee pa­ra lasapin ang ikalawang pagkalo matapos ang pitong laro para magkaroon na lamang ng kalahating laro pagitan sa Giants sa ta­gisan para sa ikatlong pu­westo sa standings.

Ang laro ay magsisi­mula matapos ang banggaan ng Racal Motors at Tanduay Light  sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Sinisipat ng Tanduay Light na lagukin ang ikatlong sunod na panalo pa­ra maitabla ang karta ma­tapos ang walong laro at palakasin ang kapit sa mahalagang ikaanim na puwesto sa 12-koponang liga.

Ang mahuhuling anim na koponan ay  mamama­alam na matapos ang single-round elimination.

May 2-4 baraha ang Alibaba kaya’t asahan na gagawin ni coach Caloy Garcia na pag-initin ang la­ro ng mga bataan para pa­natilihing malakas ang paghahabol ng puwesto patungo sa susunod na round.

Nananalig si Café France head coach Edgar Macaraya na magigising na ang kanyang bataan na kailangan silang kakitaan ng husay hindi sa una, ikalawa o ikatlong yugto kundi sa kabuuan ng labanan ba­gay na hindi nangyari laban sa Hapee.

Lumamang pa sa first half ang Bakers pero nanlamya sa sumunod na da­lawang quarters para tambakan ng Fresh Figh­ters na siyang kasalukuyang No. 1 team sa kanilang malinis na 7-0 baraha.

“Maraming dapat na ma­tutunan ang mga pla­­yers sa pagkatalong iyon na puwede naming ma­gamit sa larong ito,” wika ni Macaraya.

Bitbit din ng Pirates ang 2-4 baraha kaya’t must-win sila kung nais pa nilang pigilan ang paglasap ng maagang bakasyon.

Show comments