^

PSN Palaro

Tagum ang host ng 2015 Palaro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mula sa kanilang kum­pletong pasilidad, kinilala ang Tagum City, Da­vao Del Norte bilang host ng 2015 Palarong Pam­bansa.

Ito ang sinabi kaha­pon ni Philippine Sports Com­mission chairman Ri­chie Garcia matapos ang idina­os na pulong ng Department of Education (DepEd) no­ong Lu­nes.

Nakakolekta ang Ta­gum City ng 16 sa posibleng 18 boto para pamahalaan ang naturang annual multi-sport event.

Dinaig ng Tagum City ang mga probinsya ng Ca­raga, Dipolog City, Tubod at Zamboanga sa isinagawang bidding sa naturang sports meet para sa mga elementary at high school students.

“The facilities are ready any time. Kahit next week, ready na,” pahayag ni Gar­cia sa Tagum City na nangasiwa sa Batang Pinoy Min­danao qualifiers.

Ang kalidad ng tubig na gagamitin ng mga atleta para sa 2015 Palarong Pam­bansa ang dapat ayu­sin ng Tagum City.

“They promised to put deep wells kasi maliliit ang tubo doon,” ani Garcia sa host province.

BATANG PINOY MIN

DEL NORTE

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIPOLOG CITY

GARCIA

PALARONG PAM

PHILIPPINE SPORTS COM

SHY

TAGUM CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with