Team UAAP-Ph bronze sa women’s volley

MANILA, Philippines – Muling tinalo ng Team UAAP Philippines ang Malaysia, 25-11, 25-11, 25-16, para angkinin ang bronze medal ng women’s volleyball competition ng17th ASEAN University Games sa Palembang, Indonesia.

Ito ang unang international women’s volleyball medal ng Pilipinas matapos noong 2005 Southeast Asian Games.

Tinapos ng Ateneo, binubuo ng mga standouts mula sa UAAP champion Ateneo, ang kanilang kampanya sa 3-2 record.

Humataw si Alyssa Val­dez ng 16 hits para muling banderahan ang Team UAAP-Ph kasunod ang 14 points ni Ella de Jesus.

Ang Team UAAP-Philippines ay nagposte ng 4-4-5 gold-silver-bronze medals para sa fifth place.

Ang 4-4-4 gold-silver-bronze medal tally ng bansa ay nagmula sa mga taekwondo jins na puma­ngalawa sa Thailand.

Show comments