MANILA, Philippines – Magsusukatan ang mga mahuhusay na badminton players sa buong bansa sa Sun Cellular-Ming Ramos National Junior Badminton Tournament finals sa ika-27 at 28 ng Disyembre sa SM Annex North Edsa, Quezon City.
Ang mga kampeon sa boys’ at girls’ singles, doubles, at mixed doubles Under-13, 15, 17 and 19 classes sa isinagawang regional eliminations ay magpapaligsahan uli para madetermina kung sino ang kikilalaning national champions.
Mangunguna sa Luzon sina national juniors champion Ros Leenard Pedrosa at Sarah Joy Barredo habang ang iba pang kilalang manlalaro na kakampanya sa U-19 singles ay sina April Dianne Bibiano ng Visayas at Daniel Pantanosas ng Mindanao.
Lalahok din si Marc Julian Lo at Solomon Padiz ng Team Prima na nanalo ng Luzon boys’ U-15 doubles division at kasama si Visayas leg champion Carl Bernard Bejasa at Paul James Ouano at sina Mindanao U-15 doubles champs Ron Cabalquinto at Julius Fontanilla.
Samantala, naniniwala si Sun Cellular President Mr. Orlando B. Vea na magiging sandigan ng bansa ang sport na badminton sa hinaharap dahil ito ang sport na bagay sa Pilipino.
Ang torneyo ay sinusuportahan ng Sun Cellular, SMART Communications, Manny V. Pangilinan (MVP) Sports Foundation,PBA Smash Pilipinas, Prima Pasta, Rocktape Phils. at Babolat, at Forthright Events.