^

PSN Palaro

Lady Altas ipinagpag ang Lioness

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sapat ang ipinakitang puwersa ng nagdedepensang kampeon Perpetual Help Lady Altas para kunin ang 25-18, 25-11, 25-15, panalo sa San Beda Lio­ness sa 90th NCAA women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San  Juan City.

Tumipak ang Lady Altas ng 38-13 kalamangan sa attack points at sinabayan ito ng mga reception errors ng Lioness tungo sa 10-3 bentahe pa sa service ace upang angkinin ng Perpetual ang ikapitong panalo matapos ang walong laro.

Sina Jamela Suyat at Ana James  Diocareza ay may 11 at 10 puntos para sa Perpetual na katabla uli ang San Sebastian Lady Stags sa ikalawang puwesto sa 7-1 baraha kasunod ng walang talong Arellano Lady Chiefs (7-0).

Ang tatlong koponang ito ay pasok na sa Final Four habang ang huling upuan ay pinag-aagawan pa ng St. Benilde Lady Blazers (5-2) at host Jose Rizal University Lady Bombers (5-3).

Ikaanim na sunod na kabiguan ito ng San Beda na binalikat ni Debbie Dultra sa kanyang anim na hits.

Hindi nagpaiwan ang men’s champion Perpetual Help Altas na ginulpi rin ang San Beda Red Lions, 25-15, 25-14, 25-17, para sa pumapangalawang 6-1 baraha.

Tinalo ng Lyceum Lady Pirates ang Mapua Lady Cardinals, 22-25, 25-14, 25-12, 25-17, sa labanan ng parehong talsik na koponan.

Doble kasiyahan ang natamo ng Lyceum dahil ang Pirates ay umukit din ng 25-17, 26-28, 25-20, 25-21, panalo sa Cardinals sa kalalakihan. (AT)

ANA JAMES

ARELLANO LADY CHIEFS

DEBBIE DULTRA

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY LADY BOMBERS

JUAN CITY

LADY

LADY ALTAS

LYCEUM LADY PIRATES

MAPUA LADY CARDINALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with