^

PSN Palaro

Solo liderato puntirya ng Lady Spikers vs Lady Tams

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pagkakataon ngayon ng La Salle Lady Archers na makahulagpos sa nagdedepensang kampeon Ateneo Lady Eagles sa pagbangga sa FEU Lady Tamaraws sa 77th UAAP women’s volleyball sa The Arena sa San Juan City.

Ikalimang sunod na panalo ang maililista ng Lady Archers kung magwawagi sa Lady Tamaraws sa tampok na laro dakong alas-4.

Unang magsusukatan ang UP Lady Maroons at UE Lady Warriors sa na alas-2 ng hapon at pakay ng una ang itala ang ikalawang panalo matapos ang limang laro para solohin ang ikaanim na puwesto sa walong koponang liga.

Magkasalo sa ngayon ang Ateneo at La Salle sa unang puwesto sa 4-0 baraha at mag-iisa sa unahan ang Lady Spikers dahil pahinga ang Lady Eagles sa liga.

Liyamado ang La Salle dahil ang FEU ay may 2-2 karta at galing sa straight sets na pagkatalo sa A­dam­son Lady Falcons sa huling laro.

Si Ara  Galang na siyang leading scorer sa liga sa kanyang 83 kabuuang hits ang mangunguna sa Lady Spikers bukod pa sa ibibigay na suporta nina Cydthealee Demecillo at Mika Reyes.

Aasa ang panatiko ng FEU na maganda ang maipapakitang laro ng mga beteranang sina Bernadette Pons, Remy Palma at Charlemagne Simborio para  makakalas sa Adamson at National University Lady Bulldogs sa pagkakatabla sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto.

ATENEO LADY EAGLES

BERNADETTE PONS

CHARLEMAGNE SIMBORIO

CYDTHEALEE DEMECILLO

LA SALLE

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY

LADY SPIKERS

LADY TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with