UE winalis ang men’s at women’s fencing

MANILA, Philippines - Dinomina ng University of the East ang mga laba­nan sa men’s at women’s division para angkinin ang korona ng UAAP Season 77 fencing tournament no­ong Linggo sa UP CHK Gym.

Pinangunahan ni season MVP Nathaniel Perez, kumolekta ang Red Warriors ng 4 golds, 1 silver at 2 bronze medals para sik­watin ang kanilang ikatlong sunod na men’s crown sa four-day event.       

Tinalo ng UE ang University of Santo Tomas (1-2-2) at ang University of the Philippines (1-1-3) pa­ra sa league-best nilang pang-siyam na titulo.  

Sa pamumuno naman ni tournament MVP Kea Gonzales, kinuha ng La­dy Warriors ang kanilang pang-walong sunod na t­itulo at makamit ang record na ika-siyam sa kabuuan sa womens’ side.

Inangkin ng Lady Warriors ang lima sa anim na gold medals na nakaha­nay bukod pa sa 2 silvers at 1 bronze para ungusan ang Tigresses, nagtala ng 1 gold, 4 silvers at 3 bronze me­dals para sumegunda.

Tumapos ang Ateneo sa ikatlo sa kanilang ibinul­sang tatlong tansong me­dalya.        

Ang Rookie of the Year honors ay ibinigay kay Armstrong Tibay ng UP sa men’s division at kay Nicole Cor­tey ng UE sa women’s di­vision.       

Hindi lamang sa seniors division rumatsada ang UE kundi maging sa high school.

Inangkin ng UE ang ‘five-peat’ sa boys’ division at pinamahalaan ang girls side sa ikaapat na sunod na taon.      

Samantala, kinanse­la ang UAAP athletics tour­nament kahapon sa Phil­sports oval dahil sa bag­yong “Ruby”.

 

Show comments