Pelicans bumangon

Akmang isasalpak ni Anthony Davis ng New Orleans ang kanyang two-handed slam dunk.

LOS ANGELES -- Ma­rami pang ilalabas na husay si Anthony Davis, ayon kay New Orleans Pelicans coach Monty Williams.

At hindi na mapakali si Williams na maipakita ito ng third-year forward ngayong season.

Humugot si Davis ng wa­lo sa kanyang 23 points sa huling 6 minuto sa fourth quarter, habang may 22 mar­kers si Jrue Holiday pa­ra igiya ang Pelicans sa 104-87 panalo kontra sa Los Angeles Lakers.

“He’s just special. No­thing fazes him,” sabi ni Williams kay Davis. “He had a subpar game for him last night - and I say that jo­kingly when you look at his numbers. But he didn’t play as well as he can play. So for him to come back and close out this game the way that he did - I mean, he’s just 21 years old. And when he’s 23 to 27, we’re going to see something the league has never seen.”

Nagdagdag si Ryan An­derson ng 11 points at 10 rebounds mula sa bench para tulungan ang Pe­­licans na tapusin ang ka­nilang four-game road losing slump na tinampukan ng kanilang 27-point loss sa Golden State Warriors noong Huwebes at  20-point loss sa LA Clippers noong Sabado.

Umiskor naman si Ko­be Bryant ng 14 points sa loob ng 31 minuto sa panig ng Lakers (5-16).

Ibinigay ni reserve Gal Mekel, naglaro sa ikalawang beses para sa Pelicans, ang pinakamalaking abante ng Pelicans sa 83-59 mula sa kanyang fast-break layup sa huling 46 segundo sa fourth quarter.

Nakalapit ang Lakers sa 71-83 agwat mula sa ka­nilang 12-0 atake.

Ngunit tumipa si Davis ng dalawang layups, isang dunk at isang 21-footer na naglayo sa New Orleans sa 100-81 sa huing 2:54 mi­­nuto.

Sa Dallas, tumipa si for­ward Chandler Parsons ng 28 points para tulungan ang Mavericks sa 125-102 panalo sa Milwaukee Bucks.

Nag-ambag si Dirk No­witzki ng 21 points, habang may 19 si Monta Ellis.

Sa iba pang laro, tinalo ng Memphis Grizzlies ang Miami Heat, 103-87; giniba ng Portland Trail Blazers ang New York Knicks, 103-99; at binigo ng Oklahoma City Thunder ang Detroit Pis­tons, 96-94.

 

Show comments