Azkals pumuwersa ng draw sa Thailand

Photo from www.the-afc.com

MANILA, Philippines – Kailangang ipakita ng Philippine Azkals ang ka­nilang tibay at masidhing de­terminasyon para maisal­ba ang kampanya para sa puwesto sa championship round sa 2014 AFF Suzuki Cup.

Tinapos ng Azkals ang 14-game losing skid mula noong 1971 laban sa Thailand nang mauwi sa 0-0 scoreless draw ang kanilang unang laro sa semifinals no­ong Sabado ng gabi sa Rizal Memorial Football field.

May panghihinayang si German-American coach Thomas Dooley sa pangya­yari pero dapat pa ring ipag­malaki ang nagawa ng Az­kals.

“We didn’t win but we should be happy with the way we played. This game was another step forward,” wi­ka ni Dooley.

Sa Miyerkules ay lili­pat ang labanan sa Raja­mangala Stadium sa Bang­kok,Thailand para sa home game ng War Elephants.

Nakikita ng dating US foot­ball team captain na si Dooley ang nag-uumapaw na stadium para suportahan ang kanilang national team kaya’t dapat na maging han­da ang Azkals sa nasabing sitwasyon.

Kailangan ng Azkals na ma­kahirit ng scoring draw pa­ra umabante sa kauna-unahang pagkakataon sa Su­zuki Cup Finals laban sa mananalo sa pagitan ng Vietnam at Malaysia.

“Our performance proved we can compete at this level,” wika naman ni ace striker Phil Younghus­band na nagkaroon ng da­lawang attempts pero nasa­wata ng goalie ng Thais na si Ka­win Thamsatchanan.

Show comments