MANILA, Philippines – Hindi hinayaan ng Rain or Shine na masayang ang kanilang winning streak.
Sinandigan ang itinayong 23-point lead sa third period, pinatumba ng Elasto Painters ang Ginebra Gin Kings, 100-90, para angkinin ang isa sa dalawang outright semifinals berth sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sinolo ng Rain or Shine ang liderato sa kanilang 9-2 record kasunod ang San Miguel (8-2), Talk ‘N Text (8-3), Alaska (8-3), Ginebra (6-5), nagdedepensang Purefoods (5-5), Globalport (5-5), Meralco (5-5), Barako Bull (4-6), NLEX (4-7) at mga sibak nang Kia (1-10) at Blackwater (0-10).
Sa tournament format, ang Top Two teams ang kukuha sa outright semis seat, habang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 3, 4, 5 at 6 laban sa No. 10, 9, 8 at 7 teams, ayon sa pagkakasunod.
Kinuha ng Elasto Painters, nakamit ang kanilang pang-pitong sunod na panalo, ang 23-point lead, 80-57, sa 4:25 minuto ng third period bago nakalapit ang Gin Kings sa 76-84 sa pagbubukas ng fourth quarter.
Ngunit hindi na nakadikit pa ang Ginebra.
Sa unang laro, winakasan ng Road Warriors ang kanilang tatlong sunod na kamalasan nang talunin ang Sorento, 88-80.
Umiskor si Reil Cervantes ng career-high na 34 markers para sa Kia.
NLEX 88 - Taulava 19, Canaleta 16, Ramos 11, Villanueva E. 10, Cardona 7, Villanueva J. 7, Borboran 6, Baloria 4, Camson 3, Arboleda H. 3, Lingganay 2, Raymundo 0, Apinan 0, Arboleda W. 0.
Kia 80 - Cervantes 34, Buensuceso 18, Bagatsing 11, Custodio 5, Thiele 3, Burtscher 3, Poligrates 2, Revilla 2, Pascual 2, Ighalo 0, Dehesa 0, Webb 0, Alvarez 0, Bartolo 0.
Quarterscores: 21-25; 40-42; 62-57; 88-80.
Rain or Shine 100 - Belga 21, Lee 18, Chan 11, Quiñahan 11, Ibañes 9, Uyloan 8, Norwood 8, Cruz Jervy 4, Tiu 3, Araña 3, Cruz Jericho 2, Almazan 2, Tang 0.
Ginebra 90 - Tenorio 14, Slaughter 14, Aguilar 14, Caguioa 10, Mamaril 9, Yeo 9, Reyes 7, Baracael 6, Forrester 5, Brondial 2, Monfort 0, Helterbrand 0.
Quarterscores: 36-22; 55-41; 84-71; 100-90. (RC)