SACRAMENTO, California--Kumamada si Kyle Lowry ng 27 points at nagsalpak ng isang pivotal jumper sa huling 57 segundo para tulungan ang Toronto Raptors sa 117-109 panalo laban sa Sacramento Kings.
Dinuplika ni Terrence Ross ang kanyang season high na 20 points at nagdagdag si reserve James Johnson ng 19 points at 7 rebounds.
Nauna nang natalo ang East-leading na Raptors ng dalawang sunod.
Lumamang ang Raptors, naglaro nang wala si guard DeMar DeRozan, ng 15 points bago makalapit ang Kings sa 107-111 sa dulo ng fourth quarter.
Kasunod nito ay ang pagsalpak ni Lowry ng kanyang 20-foot jumper para tiyakin ang panalo ng Toronto.
Tumipa si Rudy Gay ng 20 points at career-high 10 assists sa panig ng Kings.
Ito ang pang-apat na sunod na kamalasan ng Kings.
Limang players ang umiskor ng double figures para sa Toronto, hindi pa nananalo sa Sacramento sapul noong Dec. 26, 2008.
Hindi nakuha ng Kings sa ikatlong sunod na laro ang serbisyo ni leading scorer DeMarcus Cousins bunga ng isang virus.
Sa Denver, umiskor si LaMarcus Aldridge ng season-high 39 points at pinasahan sa loob si Robin Lopez sa huling 1.3 segundo para sa 105-103 panalo ng Portland Trail Blazers kontra sa Nuggets.
Pinasahan ni Aldridge sa loob si Lopez nang makitang si J.J. Hickson ang bantay nito.