^

PSN Palaro

Cagayan sososyo sa unahan vs MP Hotel

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Arena, Pasig City)

12 nn MP Hotel

vs Cagayan Valley

2 p.m.  AMA University

vs Jumbo Plastic

4 p.m.  Tanduay Light

vs Wangs Basketball

 

MANILA, Philippines - Tatapatan ng Caga­yan Valley Rising Suns ang malinis na karta ng Ha­pee Fresh Fighters sa pagharap sa MP Hotel Warriors habang babangon ang Jumbo Plastic Giants mula sa pagkatalo sa hu­ling laro sa pagpapatuloy ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.

Papasok mula sa halos dalawang linggong pa­hinga ang Rising Suns at inaasahang mas maganda ang magiging samahan ng koponan at ng top rookie pick na si Moala Tautuaa upang tumatag ang paghahabol sa kanilang ikalimang sunod na panalo.

Sa ganap na alas-12 ng tanghali magaganap ang labanan at susunod ito sa pagkikita ng Giants at AMA University Titans dakong alas-2 ng hapon.

Ang Tanduay Light at Wangs Basketball ang magsusukatan sa huling laro sa alas-4 at pakay ng Wangs na makuha ang ikatlong panalo sa limang laro at ipalasap sa Rhum Masters ang kanilang ikalimang sunod na kabiguan matapos manalo sa unang laro.

Tumapos ang 6’7 Fil-Tongan ng 25 puntos, pitong rebounds at tatlong assists nang angkinin ng Cagayan ang 89-84 double overtime panalo sa Café France Bakers noong Nobyembre 24.

Galing naman ang G­iants sa 66-77 pagkatalo sa Racal Motors para malasap ang 4-2 baraha.

Kakailanganin ni coach Stevenson Tiu ang sigla ng lahat ng manlalaro para tapatan ang tiyak na inspiradong paglalaro ng Titans na pinabagsak ang Bread Story-LPU Pirates, 97-89, para itabla ang baraha sa 3-3. (AT)

vuukle comment

ANG TANDUAY LIGHT

BREAD STORY

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRANCE BAKERS

FRESH FIGHTERS

PASIG CITY

WANGS BASKETBALL

YNARES ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with