MANILA, Philippines – Naglaro nang malaki ang mga bulinggit na sina RR Garcia at Chico Lanete sa fourth quarter para ibigay sa Energy ang isa sa walong quarterfinals berth.
Umiskor si Garcia ng 22 points, kasama rito ang 3-of-5 shooting sa three-point range, habang nagdagdag si Lanete ng 13 markers para igiya ang Barako Bull sa 92-87 panalo laban sa NLEX Road Warriors sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito ang ikalawang sunod na arangkada ng Energy para tumiyak ng tiket sa quarterfinals, habang posible pang makaagawan ng Road Warriors ang Kia Sorento sa ika-10 at huling quarterfinals slot.
Kinuha ng Barako Bull ang 49-41 abante sa 10:00 minuto ng third period bago agawin ng NLEX, nalasap ang kanilang pangatlong sunod na kabiguan, ang nasabing yugto sa 66-62.
Nagtuwang sina Garcia, Lanete at Willy Wilson para muling ibigay sa Energy ang kalamangan sa 88-81 sa 20.1 segundo ng fourth quarter.
Huling nakalapit ang Road Warriors sa 87-90 agwat mula sa 3-point play ni Mac Cardona kay Dorian Peña sa natitirang 12.7 segundo,
Magkasalo ang Alaska at ang San Miguel sa liderato sa kanilang magkatulad na 8-1 rekord kasunod ang Rain or Shine (7-2), Talk ‘N Text (5-3), nagdedepensang Purefoods (5-4), Ginebra (5-4), Globalport (5-5), Meralco (4-5), Barako Bull (4-6), NLEX (3-7), Kia (1-8) at sibak nang Blackwater (0-10).
Barako Bull 92 – Garcia 22, Lanete 13, Wilson 13, Pennisi 12, Intal 10, Marcelo 7, Pascual 6, Lastimosa 5, Miranda 4, Peña 0, Salvador 0, Paredes 0.
NLEX 87 – Caradona 23, Taulava 17, Borboran 9, Ramos 9, R. Villanueva 8, J. Villanueva 6, Canaleta 4, H. Arboleda 3, Lingganay 2, Baloria 2, Apinan 1, Raymundo 0, W. Arboleda 0. Quarterscores: 18-18; 41-39; 62-66; 92-87.