^

PSN Palaro

Blu Boys pinaghahandaan na ang Asian Men’s Softball Championship

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masinsinan ang paghahanda na ginagawa ngayon ng Philippine Blu Boys para sa pagsali sa 2014 Asian Men’s Softball Championship sa Singapore mula Dis­yembre 16 hanggang 20.

Si Isaac ‘Saki’  Bacarisas ang national coach at napili na niya ang mga manlalarong bubuo sa Pambansang koponan matapos ang tryouts na isinagawa ng ASAPhil mula Nobyembre 4 hanggang 14.

“May limang beteranong pitchers sa team at kasama rin ang mga dating national baseball players na sina Joseph Orillana at Jon Jon Robles para sa dagdag expe­rience,” ani ASAPhil executive director Ismael “Jun” Veloso.

Mahalaga ang kompetisyon dahil bukod sa Asian title,  paglalabanan din ng mga kasaling bansa ang unang tatlong puwesto na aabante sa 2015 ISF World Men’s Softball Championship sa Saskatoon, Canada mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 5.

Ang Japan ang siyang paborito bilang hari ng sport sa rehiyon habang ang iba pang kasali bukod sa host Singapore at Pilipinas ay ang Pakistan, Indonesia at Brunei.

Ang Blu Boys ay palagiang runner-up ng torneo pero hindi puwedeng magkumpiyansa ang nationals dahil nag-ibayo na ang laro ng Singapore habang ang Indonesia ay kilala bilang malakas sa South East Asia.

Ang mga hinugot na pitchers ay sina Leo Barredo, Marlon Pagkaliwagan, George Marquez, Anthony Olaez at Sonny Boy Acuna.

 

ANG BLU BOYS

ANG JAPAN

ANTHONY OLAEZ

ASIAN MEN

GEORGE MARQUEZ

JON JON ROBLES

JOSEPH ORILLANA

LEO BARREDO

SOFTBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with