^

PSN Palaro

Altas dumiretso sa 53

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakitaan ng tibay ng dibdib ang five-peat champion Perpetual Help Altas para maigupo ang matin­ding laro na ipinakita ng St. Benilde Blazers, 12-25, 25-18, 25-23, 12-25, 17-15, sa 90th NCAA volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Rey Taneo, Neil Barry Ytorzaita at Benjomar Castel ay may 13, 10 at 10 hits para pangunahan ang Altas na napagtagumpa­yan na palawigin sa 53 ang pagpapanalo na nagsimula noon pang 2010.

Ito rin ang ikaanim na sunod na  panalo sa season at nangyari ito kahit hi­nawakan ng Blazers ang 67-53 kalamangan sa attack points at 11-5 bentahe sa blocks.

Ngunit may 31 errors ang Blazers para masa­yang ang 25 kills  ni Johnvic De Guzman.

Tinapos din ng nagde­depensang kampeon sa kababaihan na Lady Altas ang apat na sunod na panalo ng Lady Blazers sa dikitan ding 25-20, 30-28, 25-23, panalo.

Kinapitalisa rin ng Lady Altas ang 28 errors sa laro ng Lady Blazers para kunin ang ikalimang panalo matapos ang anim na laro.

Tig-11 hits ang ginawa nina Jamela Suyat at Ma. Lourdes Clemente at sila ay nagsanib sa 17 kills para makapantay ang produksyon ng St. Benilde sa naturang departamento.

Nanaig din ang Lyceum Lady Pirates sa Letran Lady Knights, 27-25, 25-20, 25-22, sa isa pang laro sa women’s division.

vuukle comment

BENJOMAR CASTEL

JAMELA SUYAT

JOHNVIC DE GUZMAN

LADY ALTAS

LADY BLAZERS

LETRAN LADY KNIGHTS

LOURDES CLEMENTE

LYCEUM LADY PIRATES

NEIL BARRY YTORZAITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with