MANILA, Philippines – Gumawa ng three-run homerun si Jonash Ponce sa eight inning upang tulungan ang nagdedepensang kampeon Philab na bumangon mula sa 0-2 tungo sa 6-2 panalo laban sa NU Bulldogs sa PSC Chairman’s Cup Baseball Classic kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Si MJ Gante ay pumukol ng limang inning relief pitching at nagbigay lamang ng dalawang hits at may limang strikeouts para maisantabi ang dalawang runs na naibigay ng starting pitcher ng Philab na si Vladimir Eguia.
Ang panalo ng Philab ay nagbigay ng tiket sa koponan sa semifinals sa kompetisyong inorganisa ni PSC chairman Ricardo Garcia.
Hindi nagpahuli ang UAAP champion Ateneo Eagles na pinagpahinga ang UP Maroons, 9-3, sa isa pang laro sa loser’s bracket.
Umabante na sa finals ang Air Force matapos igupo ang Unicorns, 12-2.
Hawak ng Air Force ang twice-to-beat advantage sa makakatapat sa finals na lalaruin sa Disyembre 7.
Makakasukatan ng Unicorns ang mananalo sa pagitan ng Philab at Ateneo match sa Sabado para malaman kung sino ang ookupa ng huling tiket sa finals mula sa one-loss bracket. (AT)